Ika-2 Istasyon – Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo.
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang sandaigdigan

Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan

Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan

Pagbasa (Lu 22: 39-45)

Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati.

Panalangin

Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon. Ni isa sa iyong mga alagad ay nagkaroon ng lakas na samahana ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas mo ay ang iyong matibay na hangaring tuparin ang kalooban ng Ama, maging anuman ang halaga.

Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging hanggang sa kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga walang kaibigan, ng mga walang tahanan, ng mga walang kinabukasan. Puno ang aming lipunan ng katulad nila, ngunit patuloy kaming nagkukunwaring walang malay at natutulog habang sila ay namamatay na biktima ng kapabayaan.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Papuri…

NAVIGATION




Next:

Previous: